Bukas sa Payatas

“Kurakot na gobyerno, trapong pulitiko,
Pangakong napako, makasariling pamumuno,”
Walang ibang makita o masabi kundi kabulukan-
ng mga lider ng barangay,ng lungsod, ng bayan.

Pero laman ng binggo-han bago pa malamnan ang tiyan,
Bida na ng tsismisan bago sariling bahay’y malinisan,
Maagap, sa pilaha’y masikap, mapa-DSWD o simbahan,
Walang grasyang pinalalampas- umaraw man o umulan.

Mga anak di makatuntong sa kolehiyo kasi mahirap kayo,
Mahal ang matrikula, takot mag-ulam ng asin, suka o tuyo,
Pangarap mo, kabataan, natuldukan- di pa man nasimulan,
Sa kaibigan,bisyo o inuman,naghanap ng masasandigan.

Pang-amoy mo’y manhid gabundok man basurang nakapaligid,
Bingi sa mga tiyang gutom, sa salit’ang ubo, sa singhot ng mga kapatid,
Bulag sa nagsisiksikang paaralan, pamilihan, sakayan, pasyalan,
Panong nalimtan ang kinamulatan? Ba’t di asaming iba ang magisnan?


3 Replies to “Bukas sa Payatas”

  1. Another Isa says:

    Yes, it’s spelled without a double s though haha!
    Did you know that a school here in Makati is going to use your poem for Sabayang Pagbigkas? :O
    It’s that good! They are going to credit you, of course. But sana you get to see their work naman po~

  2. […] the setting of my recurring dream. In reality, we lived nearby the eye-sore mountain of garbage in Payatas B, the sight that gave us shame, poor health, and a truly ugly view. We deeply resented the scorn […]

  3. […] strayed in the grassy part of Payatas when rubbish had not yet occupied a vast area of it. Young as she was, Peach saw elegance in […]

Leave a Reply